KC nagsalita na sa isyu ng pagbubuntis; inaming nagkasakit


Nabasa namin sa isang website na dinenay ni KC Concepcion na buntis siya. Kumalat kasi ang chika na nagpunta raw ang TV host-actress sa Amerika para doon itago ang kanyang pagdadalang-tao.

Wala namang sinabi kung sino ang lalaking nakabuntis diumano kay KC. Pero ayon nga raw kay KC walang bahid ng katotohanan ang isyu, at tulad ng nasabi na nita noon nasa New York, USA siya ngayon para mag-aral at mas i-develop pa ang kanyang husay sa akting.

Bukod dito, sinabi rin ni KC sa nasabing report na kinailangan din niyang umalis ng bansa para makapagpahinga matapos ang sunud-sunod niyang trabaho.

Ito nga raw ang naging sanhi ng pagkakaroon niya ng pneumonia, kaya nagdesisyon agad siyang tumungo sa Amerika at doon mag-recharge.

( bandera.ph file photo )

Read more...