Pelikula ni Chito Rono kailangang ulitin dahil sa pagpayat ni John Lloyd


Ang planong pang-Mother’s Day presentation na pelikula nina John Lloyd Cruz, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola at Richard Gomez na ididirek ni Chito Roño ay sa October na ipalalabas dahil magre-reshoot sila ng mga eksena.

Tsika ng aming source ay nagbago raw kasi ang itsura ni Lloydie dahil nga pumayat na ito,  “Magre-reshoot palang ang movie dahil kay John Lloyd, pero positive naman iyon dahil nga pumayat na siya, kaysa naman mataba pa rin siya sa screen.

“Hindi magandang tingnan na mataba siya sa screen, di ba?  So doon ka na sa pumayat siya at okay naman sa Star Cinema na mag-reshoot,” katwiran sa amin.

Kung hindi kami nagkakamali ay Pebrero pa nagsimula ang shooting ng pelikula, pero maraming aberyang nangyari tulad ng nagbakasyon si Greta sa London, may volleyball competition si Richard sa ibang bansa, nagkaproblema si Vhong Navarro na talent ni direk Chito kaya kailangan niyang unahin, at naaksidente pa si Lloydie sa bisikleta.

( Photo credit to EAS )

Read more...