Alwyn, Jennica bawal magpakasal hangga’t walang asawa si Jean Garcia


Hindi pa talaga puwedeng magpakasal sina Alwyn Uytingco and Jennica Garcia. Coincidence that Alwyn was given a pocket presscon by DMV for his TV5 show Beki Boxer the same way GMA gave the last presscon for Carmela naman where Jennica was part of the show.

Alam nila ang schedule nila kaya right after their respective presscons, napagplanuhan nila na mag-date and while we’re going out of GMA, nakita namin ang dalawa in Alwyn’s car on their way to their date na.

Both look happy together as soon pareho na silang magiging Kapatid. Both interviews with Alwyn and Jennica, napag-usapan namin ang pagiging steady nila for the past four years so nagtataka kami talaga kung kailan sila nagbabalak magpakasal.

Explain ni Alwyn, marami pa siyang dapat ayusin for his finances like paying for his car, securing a house for his family at ganoon din naman daw si Jennica.

Isa pa, balitang ni-request ng ina ni Jennica na si Jean Garcia na paunahin siyang magpakasal bago sila and yes, it’s true.

Jean has a non-showbiz boyfriend na rin for the past two years at pinagpaplanuhan na rin daw ng dalawa ang kasal nila so magbibigay sina Alwyn and Jennica dahil they’re still young.

( bandera.ph file photo )

 

Read more...