Ang masuwerteng si Ruby Tuason | Bandera

Ang masuwerteng si Ruby Tuason

Bella Cariaso - May 04, 2014 - 03:00 AM

HINDI na nagulat ang lahat nang kuning state witness ng gobyerno itong si Ruby Tuason. Nitong Biyernes ay pormal na inanunsyo ng Office of the Ombudsman na opisyal ng state witness si Tuason at nangangahulugan na hindi na ito sasampahan ng kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Inaasahan na ito ng publiko dahil mismong ang Department of Justice (DOJ) ang nagpahayag na kukunin si Tuason bilang state witness.

Tumaas naman ang kilay ng marami nang magsoli si Tuason ng P40 milyon na umano’y kanyang kinita sa pork barrel.

Sino ba naman ang hindi mapapataas ang kilay samantalang hindi kasi kapani-paniwala na ganoon lamang ang kanyang kickback na nakuha mula sa pinarte-parteng Priority Development Funds (PDAF) ng mga mambabatas.

Unang-unang, wala namang ginawang pagsisiyasat ang DOJ para malaman kung magkano talaga ang kinita ni Tuason sa pork barrel scam.

Tanging ang salita lamang ni Tuason ang pinanghahawakan ng gobyerno na P40 milyon lamang ang kanyang naging parte. Talagang ganon sila katiwala kay Tuason na ang bawat sasabihin niya ay Gospel truth?

At ano ang magiging kapalit nito? Bukod sa malilibre si Tuason sa plunder, babayaran pa siya ng gobyerno bilang state witness dahil gagastusan siya ng pamahalaan para sa kanyang seguridad at tirahan at meron pa siyang allowance! Ang swerte!

Hanep sa pribilehiyo kaya di na nakakapagtaka kung bakit lahat ay gusto nang maging state witness at isa-isa nang bumabaligtad ang mga sangkot sa pork barrel scam. Ang kakapal ng mga mukha na matapos pakinabangan ang pondo ng bayan, naghuhugas kamay ang mga ito para lamang makalibre sa kakaharaping kaso.

Tila kapit sa patalim naman ang gobyerno para lamang madiin ang ilan sa mga sangkot sa pork barrel scam.

Para sa taumbayan, hindi katanggap-tanggap nana basta na lamang malilibre ang kagaya ni Tuason sa plunder para lamang palakasin ang kaso ng gobyerno laban sa mga kilalang “kalaban” ng gobyerno.

Wala ring naniniwala na P40 milyon lamang ang kickback ni Tuason mula sa pork barrel scam. Ikaw ba naniniwala?

Nagmamatigas si Justice Secretary Leila de Lima at ayaw ilabas ang sinasabing affidavit ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Simple lang naman ang paliwanag dito, ayaw lamang niyang kumpirmahin na maraming mga kaalyado ng administrasyon ang sangkot sa pork barrel scam.

Lalo tuloy lumalakas ang paniwala ng lahat na ayaw ng administrasyon na idawit ang mga kapanalig nito kahit pa alam natin na sangkot din sila sa pambubulsa sa pondo ng bayan.

May ilan tuloy nagbabalak na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para mapilitan si De Lima na isapubliko na ang sinasabing affidavit ni Napoles.

Hindi kasi katanggap-tanggap ang pahayag ni De Lima kailangan munang malaman kung may batayan ang pagdawit ni Napoles sa ilang mga opisyal ng gobyerno. Bakit noong una basta may nagsumite ng affidavit tungkol sa scam ang bilis nilang ilabas?

Bakit hindi niya pabayaaan ang mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno na nadawit sa affidavit ni Napoles ang magpaliwanag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masyado kasing halata na nais lamang ni De Lima na protektahan ang mga kaalyado ng administrasyon na nasasangkot sa pork barrel scam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending