Death threat kay Vhong mas tumindi pa


SA kabila ng mga banta sa kanyang buhay, hindi pa rin natitinag si Vhong Navarro sa patuloy na pagsigaw ng hustisya sa ginawa sa kanya ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Ayon sa kampo ng aktor, alam ng TV host-comedian na may mga taong gusto siyang patayin para manahimik na at hindi na maipagpatuloy pa ang ipinaglalaban niyang mga kaso.

Pero matindi ang paninindigan ni Vhong at handa siyang harapin ang lahat ng pagsubok para lang maipanalo ang kanyang kaso laban kina Cedric at Deniece.

Kaya nga triple rin ang ginagawa niyang pag-iingat ngayon para sa kanyang seguridad. Ayon pa sa kampo ng komedyante, hindi raw magpatatalo sa takot si Vhong, sinimulan daw niya ang labang ito at desidido siyang tapusin ito.

At kahit nga may gustong pumatay sa kanya, pupunta pa rin si Vhong sa mga hearing ng kanilang kaso. Wala rin daw balak na tumigil sa trabaho si Vhong dahil sa banta sa kanyang buhay.

Kaya huwag daw mag-alala ang kanyang fans, basta dasal lang daw nang dasal.

( Photo credit to INS )

Read more...