Hail Kathryn, Teen Queen!

WALANG duda, si Kathryn Bernardo na nga ang maituturing na Teen Queen ng Philippine show business. Dahil sa kanyang wholesome image, mismong ang mga magulang na ng mga kabataan ngayon ang nagsasabi na sana’y maging katulad ng Kapamilya actress ang kanilang mga anak.

Sa edad na 18, napakarami nang achievements ng dalaga, bukod sa kaliwa’t kanang endorsements at TV/movie projects, meron na rin siyang naipundar na properties para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ang nakakatuwa pa sa dalaga, kahit na tambak ang kanyang trabaho, isa pa rin sa priority niya ang pag-aaral. At para mapagsabay lang ang pag-aartista at pag-aaral, hindi na masyadong gumigimik si Kathryn.

Nagsimula na ang shooting ng bago nilang pelikula, ang “She’s Dating A Gangster”, kaya ang tanong ng kanilang fans, kung hindi natuloy ang kissing scene nila sa seryeng Got To Believe, dito kaya sa latest movie nila, pwede na?

“Basta abangan niyo na lang kung anong mangyayari sa movie para okay,” pabiting tugon ng Kapamilya star. May pressure ba sa kanya ang bagong movie nila ni DJ dahil bukod sa phenomenal nga ang Got To Believe series nila ay blockbuster din ang last movie nilang “Pagpag” na entry sa MMFF last year.

“Every soap, every movie, palagi naman ‘yung may pressure. Pero ngayon, excited talaga ako sa ‘She’s Dating the Gangster’ kasi maganda ‘yung story.

Of course, directed by direk Cathy Garcia Molina… ‘yung writer namin ang galing talaga, alam nila kung ano ang maganda,” tugon ng dalaga.

Dagdag pa niya, “So itong ‘She’s Dating the Gangster,’ nae-excite ako, parang nakaka-pressure ako pero mas excited.”

( Photo credit to kathryn bernardo official fanpage )

Read more...