Kris may gwapong kalandian, planong pagselosin si Bistek


NAKAKATAWA ang developments sa “KrisTek” echos na ito. Walang liwanag kung saan patutungo ang drama ng dalawang personalidad na involved sa usaping ito – may dramang inayawan na raw ni Q.C. Mayor Herbert Bautista si Kris.

Tumigil na raw ito sa panliligaw  kay Kris dahil mula nga nang madikit ang name niya sa sikat na TV host ay biglang nasira ang pangalan niya lalo na sa social media na nakaapekto sa pamilya ni Mayor Bistek – instead na makatulong sa political career niya si Kris ay mukhang lalo siyang naging unpopular most especially amongst the netizens.

Kaya hayun, bigla  itong umayaw. “Ang totoo niyan, wala naman talagang balak seryosohin ni Bistek si Kris nu’ng una, eh. Gusto lang yata niyang i-explore si Kris kasi nga mukhang puwede niyang pasukan ng ligaw kiyeme.

Hindi na-foresee ni mayor na sasabog ang name niya sa buong kapuluan. Alam niyo naman si Kris – kahit anong idikit sa kanya, in fairness to her ay talagang pinag-uusapan.

Pag may nabanggit siyang food sa show niya talagang bumebenta. Mahusay talaga siyang mag-promote – nata-translate into sales. “Ngayon, natakot yata si Bistek na seryosohin siya dahil baka hindi na siya makaalis sa anino ni Kris.

Matigas pa naman ang ulo ni Kris, she does what she wants at walang makakapigil sa kaniya. Tulad nung letter na binasa niya sa Aquino & Abunda Tonight.

Yung sinasabi niyang joint letter nila ni Mayor Herbert revealing their friendship, remember yung unang announcement ni Kris sa show na parang ‘work in progress’ yung sa kanila – yes, talagang joint statement  raw nila iyon.

“Kaya lang, nu’ng binabasa raw ni Mayor Bistek iyon, marami siyang pinatanggal na lines. Marami siyang pina-edit. Okay naman daw kay Kris habang ine-edit nila yung statement pero nu’ng umere na sila, naloka raw si Mayor dahil buo pa ring binasa ni Kris ang lahat.

Yung mga tinanggal kuno nila ay balewala rin dahil walang inedit si Kris.  “Doon na raw kinabahan si Bistek. Pero siyempre, hindi niya puwedeng awayin si Kris at siguradong may paglalagyan siya.

Pag umiyak na iyan on national television ay patay siya kay P-Noy. Favorite sister nila iyan, bunso kaya si Kris. May pagka-benggador pa naman ang administrasyong ito.

“Puwede siyang pahanapan ng kaso ni P-Noy sa DILG through his best friend Mar Roxas at malamang na baka di siya abutin sa puwesto sa 2016. Ganoon iyon. Kaya ingat na ingat siya sa pakikisama kay Kris.

“Kiyemeng sinusuyo niya para ma-feel ni Kris siguro na ang ganda-ganda niya. Na hinahabol siya ni Bistek pero ang basa ko riyan, magandang exit ito for Mayor Herbert.

Matalino siya, this time ay mukhang maa-outshine niya si Kris sa katalinuhan. Ha-hahaha! Makakawala siya kay Kris without battling her, di ba?” sabi ng isang kakilala naming parang may malalim na alam sa walang-katuturang relasyong ito.

Bistek got his much-needed mileage without so much effort. His name is very household na ang dating kaya in the next elections, tiyak na sobrang tunog na ang pangalan niya shoudl he decide to run for higher political post. Bongga si Bistek, di ba?

May bagong drama si Kris – meron daw itong na-research na Fil-Am soldier na nakasama sa isang photo-op with her at talagang pinahanap niya ito at ginawang guest sa KrisTV.

Guwapo raw at may six-pack abs ang hunk na soldier. Mukhang type raw ni Kris. Gagawin  yata niyang regular guest ang lalaki.
“Paselos niya lang kay Bistek iyan.

Yung parang nagpapahabol siguro kay Bistek kaso marunong din maglaro si Mayor. Kiyemeng hindi siya tinatantanan sa katatawag and all pero hindi naman niya sinasagot at pinapansin kuno.

Hanggang sa magkaroon ng magandang dahilan si Bistek na um-exit, di ba? Wise boy,” basa ng isang observer naman.
Hay naku, basta isa lang ang masasabi ko rito – ANG GANDA-GANDA NI KRIS, DI BA?

( bandera.ph file photo )

Read more...