‘The Wedding’ episode ng Ikaw Lamang waging-wagi


Halos lahat ng supporters ng Ikaw Lamang ay inabangan ang “The Wedding” episode nina Coco Martin at Kim Chiu bilang sina Samuel at Isabelle noong Huwebes, pero naudlot kaya naman maraming nagrereklamo na bakit daw hindi itinuloy.

Bagama’t hindi natuloy ang kasalang Samuel at Isabelle ay nagtala pa rin ng 29.7%, ang nasabing episode na may malaking lamang sa katapat nitong programa sa GMA na Carmela na nakakuha lang ng 16.1%.

Dahil sa mga makapigil-hiningang tagpo ng nasabing episode, mabilis na naging nationwide trending topics sa sikat na microblogging site na Twitter ang hashtag na #IkawLamangTilDeathDoUsPart at maging ang mga pangalan ng mga karakter na sina Samuel, Isabelle, Franco (Jake Cuenca) at Gonzalo (John Estrada).

Noong Biyernes ay napilitang magpakasal si Isabelle kay Franco dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Paano haharapin ni Isabelle ang bagong yugto ng kanyang buhay lalo na kapag nalaman niya ang sinapit ng iniibig na si Samuel?

Isusuko na ba ni Samuel ang pag-iibigan nila ni Isabelle ngayong asawa na nito si Franco?

( Photo credit to EAS )

Read more...