Katawan ni John Lloyd katakam-takam; pero si Angelica pataba naman daw nang pataba


Katawan ni John Lloyd katakam-takam; pero si Angelica pataba naman daw nang pataba  KUMALAT sa social media kahapon ang litrato ni John Lloyd Cruz kung saan makikita ang hubad niyang katawan.

In fairness, napakalaki nga ng ipinayat ni Lloydie, hindi man ito ganu’n ka-perfect, masasabi ngang nagtagumpay na ang award-winning Kapamilya leading man sa kanyang pagpapapayat.

Sa Instagram namin nakita ang nasabing picture, at talaga namang napakarami ng nag-like at nag-repost nito sa kanilang Twitter at Facebook accounts.

May nagsabi pa nga na siguradong mas mababaliw ngayon si Angelica Panganiban sa kanyang boyfriend na hunk na hunk na  ngayon.

Sey pa nga ng isang taklesang nag-comment, “Ngayon dapat si Angelica naman ang magpapayat dahil ang syuba-syuba ngayon, parang nawala na ang pagkadyowa niya.

Bahala siya, kapag hindi niya naibalik ang kaseksihan niya baka bigla siyang iwan ni Lloydie! Ha-hahaha!” Kamakailan, rumampa si John Lloyd sa isang event sa Boracay kung saan una niyang ipinasilip ang bago niyang katawan, pero hindi siya naghubad ng kanyang sando.

Pero ngayon, sa kanyang bagong TV commercial, handa na siyang ibandera ang kanyang hunky body.

( Photo credit to john lloyd cruz official fanpage )

Read more...