Kasal sa kapwa lalaki

Sulat mula kay Lito ng Barangay Conel, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Ako po’y pusong babae na nakabilanggo sa katawan ng lalaki.  Life begins at 40 na ako at dinadalaw na ng labis na kalungkutan, lalo na pagkatapos makipag-date sa kapwa ko lalaki at aalis na at iiwan na ako ng aking ka-date.  Walang nagtatagal na lalaki sa akin kahit na sobra-sobra ang suporta ka sa kanya.  Silipin nga ninyo kung may lalaki ako makakasama habambuhay? Tulad ng nababalitaan ko sa abroad, gusto ko na ring magpakasal sa kapwa ko lalaki.  Sinu-sino ang ka-compatible ko at makakasama habambuhay? October 29 ang birthday ko. Kung sakaling ako ay magkakaroon ng makakasama habambuhay kahit ako’y bading, kailan naman siya darating?
Umaasa,
Lito ng Barangay Conel, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit bakla ka, may nakikita pa ring malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t natuto kang maghintay, ang takdang kapalaran ang magbibigay sa iyo ng lalaking panghabambuhay mong makakasama, kahit sabihin pang bakla o bading ka.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Clubs at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng babaing maganda, magkakaroon ka na rin ng asawa na kapwa mo lalaki.    Itutuloy

Read more...