Kahit may Chiz na…Heart apektado pa rin sa kasal nina Jericho at Kim Jones


Trulili kaya ang tsika sa amin na may bahid ng lungkot na naramdaman si Heart Evangelista sa pagpapakasal ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales kay Kim Jones?

Hindi kinlaro ng nagkuwento sa ami kung bakit nalungkot si Heart, “Masaya siya for Echo and Kim, kaya lang alam mo ‘yung feeling na may lungkot maski paano?

Kasi di ba, kung hindi naman sila pinaghiwalay ng magulang niya, siya dapat ‘yung nasa puwesto ni Kim? “Kasi nagsumpaan na sila ni Echo that time na sila na at naghahanda na rin naman si Echo for their future, di ba?” sabi ng aming source.

Oo nga, tanda namin bossing Ervin, nu’ng ipinapatayo ni Echo ang bahay niya sa Grand Villas ay sobrang saya raw ni Heart dahil nga ito ang magiging bahay nila ng aktor.

Tanda pa naming kuwento ni Jericho na paglipat niya ay pupunuin daw ni Heart ng groceries ang kusina niya at refrigerator kasi nga nagbiro ang aktor na sa sobrang mahal ng bahay na ipinagawa niya ay wala na siyang pambili ng gamit at pagkain.

Ha-hahaha! Anyway, back to reality, tsika pa sa amin ng taong kilala si Heart, “Good thing she met Chiz (Escudero) at least masaya na siya kay Chiz.

Ganu’n naman talaga ang feeling di ba, kapag ex mo ang ikinasal na lalo’t mahal na mahal mo at nagplano kayo, may kirot di ba?” balik-tanong sa amin.

Well, kung mahal mo pa talaga ‘yung tao, masakit talaga, pero kung hindi na, wala ka ng mararamdamang sakit.  Ikaw bossing Ervin, ano say mo? (Ay totoong-totoo ‘yan, Reggs! As in! Maniwala ka! Trulili ang sinabi mo! Walang duda! True! Ha-hahaha! Hysterical!? – Ed)

( bandera.ph file photo )

Read more...