Magtitili man ngayon nang walang sound ang mga kontra kay Kris Aquino ay wala na silang magagawa, napasama ang pangalan ng aktres-TV host sa isang survey tungkol sa mga posibleng tumakbo bilang pangulo sa taong 2016, pasok sa survey ang pangalan ni Tetay.
Dahil du’n ay naging aktibo na naman ang mga kababayan nating inis na inis sa presidential sister, napakahilig daw talagang umepal ng babaeng ito, KSP (read: kulang sa pansin) raw talaga si Kris.
In fairness kay Kris ay hindi naman siya ang kumomisyon para sa nasabing survey, ibang grupo ang nagpagawa nu’n, kaya wala siyang kinalaman sa naging resulta ng survey.
May mga kababayan lang talaga tayo na may malaking tiwala sa kapasidad ni Kris para mamuno sa ating bayan, saludo sila sa talento ng bunsong kapatid ng pangulo, paniniwala nila ‘yun.
Kaya nga lang ay mas marami yata ang hindi nagkagusto sa ideyang tumakbo sa panguluhan si Kris, agad-agad na nagbigay ng reaksiyon ang mga kababayan nating walang nakikitang maganda sa mga pinaggagagawa niya, kaya pinutakti agad ng mga negatibong pagpuna ang aktres-TV host.
Sabi ng isang kaibigan naming naloka sa resulta ng survey, “Anoooooooooo? Magiging president natin si Kris Aquinooooooo???? Bakit daw? Jusko! Panahon na para mag-apply ako ng visa papunta sa kahit anong lugar sa mapa ng mundo!
“Nakakaloka ito kapag nagkataon! Si Kris Aquino, magiging pangulo ng Pilipinas? Nakakaloka talaga ‘yun! Lukang-luka ako, sa totoo lang!” komento ng nagmamaasim naming kaibigang becki.
Pero si Kris Aquino naman mismo ang nagsasabi na wala pa siyang planong tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno. May mga nagsasabing tatakbo raw siya sa pagkasenador sa 2016, pero ayon kay Kris ay wala pa ‘yun sa kanyang mga prayoridad, tingnan na lang natin kung makakaya niyang panindigan ang kanyang mga sinasabi ngayon.
Si Kris Aquino pa? Para siyang panahon. Hindi mo alam kung kailan aaraw at kung kailan uulan.
( Photo credit to kris aquino official fanpage )