Deadma ang reaction ni Vice Ganda nu’ng biruin na may halong seriousness ni Karylle na iregalo sa kanya ang binebentang 1970 Chevrolet Chevelle car ni Angel Locsin nito na ipina-auction niya sa Sagip Kapamilya Foundation.
Nangyari ang pagbibiro ni Karylle kay Vice nu’ng i-announce nila sa It’s Showtime na for sale ang naturang vintage muscle car ni Angel na hindi bababa sa P1 million ang unang bid.
Idinonate ni Angel ang kotse sa Sagip Kapamilya para itulong sa Yolanda survivors. Love na love daw ito ni Angel pero dahil may mas love na siya ngayon, none other than her boyfriend Luis Manzano, keri nang ipamigay ang isa pa niyang love and with a good cause pa, ‘di ba?
Halos lahat ng host ng Showtime ay type ang kotse ni Angel lalo na si Billy Crawford. Si Vice naman nagbitiw ng salita kung kanino kaya “among the boys na like niya” mapupunta ang kotse sakaling bilhin niya kasunod ang malakas na tawa.
Doon humirit si Karylle kay Vice na iregalo sa kanya. Taray naman ni Karylle magbiro kay Vice na regaluhan siya ng kotse ‘no? E, paano kaya kung sagutin siya ni Vice ng, “Hindi naman kita dyowa, ‘no.
Bakit hindi ka sa asawa mo magpabili ng kotse?” Ha-hahaha!
( Photo credit to karylle official fanpage )