Iwa Moto naaksidente sa Dubai, nadulas sa stage


Speaking of Iwa Moto, naaksidente pala ang ina ng second baby ni Pampi Lacson kamakailan. Nadulas si Iwa sa stage habang nagshu-shoot sa taping ng comedy show sa TV5 na Tropa Mo Ko Unli sa Dubai.

Ang masaklap pa raw nito, may history ng slip disc si Iwa. But despite that, napaka-pro pa rin daw ng aktres. Sumabak pa rin siya sa sayawan sa Celebrity Dance Battle ng TV 5 na ipalalabas ngayong gabi.

Tsika ng aming source, ang galing daw ng performance ni Iwa at ka-partner nito na si Shalala. Sila ang pumasok sa semi finals sa Celebrity Dance Battle.

Bongga raw ang labanan at super sexy pa rin ni Iwa kahit medyo nadagdagan ng timbang. Si Shalala naman daw kailangan pilitin ang sarili na sumayaw ng lalaking-lalaki. Ha-hahaha!

Anyway, Celebrity Dance Battle is hosted by Lucy Torres Gomez with twins Anthony and David Semerad na nag-birthday last April 25.  He just turned 23.

We wonder kung ano ang gift sa kanya ng girlfriend niya at 2011 Miss World Philippines na si Gwendolyn Ruais. Promise ring din kaya?

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Read more...