Sulat mula kay T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Single mother ako dahil ako’y torpe sa lalaki. Madaling humanga, madaling maniwala. Ang tingin ko sa sarili ay bumaba na ang pinakamalas na yugto sa buhay ko, ang naanakan at iwan ng bumuntis sa akin. Labis kong pinupuri ang aking mga magulang na binigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay at pinag-aral pa, hanggang sa makatapos sa kolehiyo. Sa susunod na taon ay kukuha ako ng licensure examination at kapag nakapasa ay ito na ang nakikita kong paraan para makabayad sa aking mga magulang at mapalaki ko nang tama ang anak ko. Puwede mo bang sabihin sa akin na makapapasa ako sa exam? May darating pa kayang lalaki sa buhay ko na tatanggapin ako at ang aking anak? Ipinanganak ako noong Oktubre 21, 1991.
Umaasa,
T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taon, madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa board exam, sapagkat nakatakda na sa iyong palad ang maging ganap na propesyonal.
Cartomancy:
Bagama’t suwerte sa career maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka ulit, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades, ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ika-apat na pag-ibig, may itatalang tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan.
Sagot sa sulat ni T.R., ng Calatrava, Negros Occidental
Problema:
1. Single mother ako dahil ako’y tanga sa lalaki. Madaling humanga, madaling maniwala. Ang tingin ko sa sarili ko ay bumaba na ang pinakamalas na yugto sa buhay ko nang naanakan at iwan ng bumuntis sa akin.
2. Labis kong pinupuri ang aking mga magulang na binigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay at pinag-aral pa hanggang sa makatapos sa kolehiyo. Sa susunod na taon ay kukuha ako ng licensure examination at kapag nakapasa ay ito na ang nakikita kong paraan para makabayad sa aking mga magulang at mapalaki ko nang tama ang anak ko. Puwede mo bang sabihin sa akin na makapapasa ako sa exam? May darating pa kayang lalaki sa buhay ko na tatanggapin ako at ang aking anak? Ipinanganak ako noong Oktubre 21, 1991.
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mo ay nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career, pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa, may manaka-nakang kamalasan ang sasapitin mo. Maliban na lang kung sa ikaapat na pag-ibig ay isang Aquarius ang sasagutin at magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagtatakda ng isang magara o kakaibang kapalaran. Kung saan, tulad ng nasabi na, ikaw ay “suwerte sa career malas sa pag-ibig.” Ngunit sa ikaapat na pakikipag-boyfriend aymagiging maligaya ka rin at magkakaroon ng matagumpay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na violet, yellow at red. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
T.R., ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mag-alala sa career dahil sa sandaling kumuha ka ng board exam sa susunod na taon ay siguradong makakapasa ka at magiging ganap na propesyonal. Sa pag-ibig, dalawang kabiguan pa ang iyong pagdadaaanan, sa ikaapat na pakikipag-relasyon, mabubuo ang masaya at maunlad na pamilya, at tuluy-tuloy na ang suwerte.
Career, yes; love, no
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...