Speaking of Luis Alandy, sa dinami-dami na ng mga babaeng kanyang naging dyowa o niligawan, ang isa pa nga ay nakatakda na sana niyang pakasalan, aminado itong nakakaramdam din siya ng inggit sa mga kaibigang may sarili ng pamilya.
Pero hangga’t may mga pamangkin daw siyang inaalagaan at na-e-enjoy bilang mga bagets, hindi pa raw marahil sasagi sa kanya ang maisipang magkaroon na rin ng sariling anak.
Hindi raw niya alam kung sadyang malas siya sa pag-ibig sa kabila ng pagiging seryoso sa pakikipagrelasyon. “Iba-iba, e. May intense, may halos sambahin, ganu’n.
Iba kasi kapag feelings na ang issue, e,” paliwanag nito sa mga pinagdaanan niyang pag-ibig. Sa ngayon ay ayaw daw talaga muna niyang ma-involve kahit kanino pero kapag daw talagang nabigyan siya ng chance, type niyang ligawan si Jennylyn Mercado na matagal na din niyang crush.
Nang malaman nitong nag-react si Jen na hindi ito naniniwala na sinabi yun ni Luis, natawa na lang ang guwapong aktor, “Basta pag may chance,” hirit pa nito.
At 34, hindi siya komportableng ma-link sa mga batang artista ngayon, tulad na lang nina Max at Jackie. Mas type pa rin daw niya ang kasing-edad o mas matanda sa kanya.
( Photo credit to luis alandy offial fanpage )