Ikaw Lamang waging-wagi sa iskul at palengke

KIM CHIU AT COCO MARTIN

Hindi lamang number one teleserye ngayon ang Ikaw Lamang. Trending topic din gabi-gabi ang performance ng cast, lalo na nina Kim Chiu at Coco Martin.

Sa totoo lang, this is one teleserye na bawat galaw ng karakter ay pinag-uusapan. Lahat ng mga karakter ay nagsa-shine at pinupuri.

Sa palengke, sa grocery, sa school at mga opisina ay pinag-uusapan ang mga karakter tulad nina Samuel, Isabelle, Franco and Mona. Pati ang mga senior cast nito ay nakakatikim din ng papuri they have never experience before. Napakahusay nina John Estrada, Angel Aquino, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Cherie Gil at Tirso Cruz III.

Consistent sa trending topic si Mona (Julia Montes) at Franco (Jake Cuenca). Mismong si Claudine Barretto ay napansin ang husay ni Julia. Si Jake ay pinupuri ng senior co-stars niya sa mahusay niyang pagganap.

Sa husay ng lahat ng cast ng Ikaw Lamang, tiyak na sila sila din ang maglalaban-laban sa acting awards for TV sa susunod na awards season.

Read more...