Andi sinopla: Unahin mo muna anak mo bago ka manlalaki!

ANDI EIGENMANN

Tila nagkabalikan sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

That is netizen’s perception nang lumabas sa isang popular website ang photo ng dalawa na kuha sa Boracay.

Naka-black bikini si Andi habang naka-sleeveless shirt naman si Jake sa kuha sa kanilang photo.

Balitang-balita na nagkaroon ng matinding tampuhan ang dalawa kaya naman nagkahiwalay sila. But it appears na sandali lang ang kanilang hiwalayan dahil nagkabalikan din sila.

Ang chika, pinagselos daw ni Andi si Jake nang magpakuha siya ng photos kasama si Tom Taus, ang younger brother ni Antoinette Taus.

Sinasabing ang entertainment news anchor na si Gretchen Fulido daw ang third wheel sa hiwalayan ng dalawa. Pero itinanggi ni Gretchen ang chismis. Meron pa nga raw silang kuha nina Jake at Andi together sa isang party, the photo of which came out sa isang website, kaya paano raw mangyayari na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang young couple.

Pero meron din naming umiikot na chika na close nga sina Jake at Gretchen dahil madalas silang makitang magkasama sa mga lakaran.

Anyway, marami ang hindi na nagtaka kung nagkabalikan man sina Andi at Jake, “Sabi na at pinaglololoko lang tayo ng dalawang to eh. Wag na dapat pansinin pag may balita na break na sila,” sabi ng isang guy.

“Nakakaloka na tong dalawang to ano ba talaga meron sa inyo? HAHAHA!” tanong naman ng isang nag-comment.

Sinagot naman ito ng patanong ng isang tagahanga who said, “Frends wid benefits???”

Ang isa naman, nagbigay ng advice kay Andi, “Alagaan mo muna anak mo! puro panlalalake inaatupag!”

Read more...