Sulat mula kay F.R., ng Barangay Kabacsanan, Iligan City
Problema:
1. Sasapit na naman ang pinakamahalagang araw sa aking buhay at wala akong boyfriend na makakausap, mayayakap, at makakatabi. Hindi naman sa di pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Ang katangian ng una kong boyfriend ay magaling. Magaling siyang magsinungaling. Naglulubid sa kasinungalingan.
2. Ako’y nagduda sa magaganda niyang kuwento kaya’t tiniktikan ko siya, hanggang sa mabisto ko ang totoo niyang buhay. Hindi ko ito ipinahalata sa kanya at naghintay ako ng araw na magsisinungaling na naman siya. Kaya’t prinangka ko na siya at di siya nakapagsalita. Dito naputol ang aming relasyon. Darating ba sa buhay ko ang tunay, tapat at mabait na lalaki?
Umaasa,
F.R., ng Barangay Kabacsanan, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ay nagsasabing susuwertehin ka, na magka-boyfriend ng isang lalaking Aries at ito ay nakatakdang maganap sa ikatlong linggo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing, isang lalaking isinilang sa petsang 3, 12, 21, o kaya’y 30 ang magiging boyfriend mo. At dahil compatible ang birth date mong 6 at birthdate niyang 3, 12, 21 o kaya’y 30, magiging sweet at romantic ang relasyon ninyo.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang nasabing pag-aanalisa ng iyong kapalaran, pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo, magsuot ka agad ng kulay violet, asul o kaya’y pula, puwede rin ang pink. Sa ganyang kulay ng damit, sigurado na ang magaganap – magkaka-boyfriend ka ngayong papalapit na ang mahalagang araw mo, at ang nasabing relasyon ay magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
F.R., ayon sa iyong kapalaran, matutupad na rin sa wakas ang malaon mong wish, sa pagsapit ng mahalagang araw, darating isang lalaking may initial na A.B. ang magiging boyfriend mo, at ang lalaki na ring ito ang magpapaligaya sa iyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.