‘Hindi porke maarte si Xian bakla na!’ | Bandera

‘Hindi porke maarte si Xian bakla na!’

Jobert Sucaldito - May 01, 2014 - 03:00 AM


BABAENG-BABAE raw ang style nitong si Xian Lim sa pag-handle ng mga issues about him. Iyan ang napapansin ng marami. Hindi tulad ng ibang actors nating diretso kung sumagot sa mga tanong – be it bluntly or simpleng kibit-balikat lalo na sa mga non-sense na issues.

Pero si Xian iba raw talaga, may mga patumpik-tumpik na feeling yata niya ay nakatutok palagi ang lahat ng tao sa loveteam nila ni Kim Chiu. Tulad na lang nu’ng presscon nito for an endorsement kung saan ay may linya pa yata siyang, “I am single and ready to mingle”.

Nang tanungin daw ito ng media ay agad daw itong nag-react na huwag gawing big deal iyon or something. Kasi nga, nabalita before na inihiwalay na siya kay Kim in some projects para masubukan ang katatagan nila as individual stars.

In fact, nasimulan na ni Kim ang mawala sa anino niya via her serye with Coco Martin. Ewan ko lang kung matutuloy itong sinasabi ni Xian na he will also start soon a serye of his own sa Dos.

“Baklang-bakla ang pagsagot-sagot minsan niya sa mga tanong. Baka hindi siya aware na ganoon ang dating niya – iyon ang tinatawag na unguarded moment, right? Yung hindi intesiyonal pero lumalabas nang kusa at doon ka minsan nabubuko.

Madali pa raw mapikon ang lolo Xian ninyo kaya ang daming naiirita sa kaniya, true ba iyon? Is he gay?” tanong sa akin ng isang fan-sita.

Natawa naman ako sa tanong na ito. Naku, pag nakarating na naman ito kay Xian baka mag-react na naman siya violently. Huwag niyo kasi siyang pagdudahan para love, love, love niya kayo.

Kayo kasi, mapanukso eh. Ha-hahaha! Hindi porke reactionary si Xian on some issues ay gay na agad siya. Me mga ganyang boys naman talaga, di ba? Na konting kibot lang mainit agad ang ulo.

“Pero wala naman silang dalang kumpletong set of make-up kit – and mind you, branded pa ha!” talak naman ng isang reporter.
Hoy! Magsitigil kayo! Artista siya kaya kailangan niya iyon.

Kung siya ay basketball player or ordinaryong lalaki riyan na merong set of make-up items, doon kayo magduda. Pero since artista si Xian, oks lang iyon na meron siyang dalang ganyan, kasi nga they have to look good everytime na humaharap sila in public.

“Bakit? Basketball player din siya dati, right? Marami naman artista riyan na tumanda na lang ay never nagbitbit ng foundation or lip gloss, ah. Pag meron silang showbiz work, meron namang naka-assign na make-up artists around na nag-aayos sa kanila.

Pati hairstyle nila ay may nag-aasikaso sa set, ‘no!” sabi pa ng kausap namin. Tinalikuran namin ang hitad. Ha-hahaha! Kasi nga ang kulit. Mas minabuti pang mag-bisi-bisihan na lang kami with other things kaysa mag-entertain ng makulit na fan.

Baka type lang niya si Xian kaya lang hindi siya pasado sa taste ni pogi kaya ganoon na lang kainit ang dugo niya sa aktor-aktoran. “Hindi ako galit sa Xian na iyan.

Napansin ko lang na kakaiba siya sa mga kakontemporaryo niya. Hindi ko makalimutan kasi kung paano niya ipinahiya ang ka-lookalike ni Kim Chiu nu’ng Chinese New Year sa Binondo.

Kaya nag-stick yung impression kong iyon sa kaniya to this day. Kaya nagdududa ako talaga sa pagkalalaki niya,” aniya pa.
Hindi umubra ang pagtalikod namin sa kausap namin dahil para itong tutang sunod nang sunod sa amin.

Kaya minabuti na lang naming sumakay na lang sa sasakyan at layasan siya. Ha-hahaha! Kaloka! Wait, ipu-promote ko lang that Xian daw just recently signed up with Star Cinema for a two-picture contract kung saan ang unang pelikula raw na gagawin niya ay with Kim Chiu and the other one ay with Kim pa rin kasama ang kafatid nating si Ai Ai delas Alas.

Sana this time ay matuto na siyang umarte kasi di ko makakalimutan ang sinabi raw ni direk Joyce Bernal about Xian before – na hindi raw ito marunong umarte. Question lang – iba ba ang ibig sabihin ng maarte sa marunong umarte? Naleleto kase ako kafated. Ha-haha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending