Aware si Mo Twister sa may kayabangang claim ni Kris Aquino na siya raw ang Oprah Winfrey of the Philippines. Isa si Mo sa nagulat sa self-proclaimed Oprah ng local showbiz.
Naasar yata ang mokong kaya parang ayaw niyang tigilan si Kris sa pang-aasar sa kanyang Twitter account. Panay ang patutsada niya kay Kris.
“I’m the Usain Bolt of taho vendors. #krisaquinojobtitles.” “I am the Kuya Germs of NBA2K14.” “I am the Steve Jobs of puto bumbong steamers.”
Ilan lamang ‘yan sa mga nakakalokang tweets niya. Ang feeling namin ay matagal pa bago mawala ang pang-aasar ni Mo kay Kris. Talagang hindi niya ma-take ang kayabangan ng presidential sister.
Pwede rin namang inggit lang itong si Mo kay Kris dahil nga mas mayabang ang dating ng mommy ni Bimby kesa sa kanya at ayon nga sa kasabihan, galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw.
( Photo credit to krisaquinofanpage )