Swabeng preno | Bandera

Swabeng preno

Leifbilly Begas, Lito Bautista |April 30,2014
facebook
share this

Swabeng preno

Leifbilly Begas, Lito Bautista - April 30, 2014 - 02:28 PM


Napakarami ng brand ng brake shoe at brake pad na mabibili sa merkado.  Kaya naman medyo nalilito ang ating texter na taga-Matungao, Lanao del Norte na may huling numero ng cellphone na …. 4227 kung ano ang kanyang pipiliin.

Brandnew nang bilhin ng ating texter ang kanyang motorsiklo na ang brand ay isa sa pinakasikat at pinagkakatiwalaan sa bansa pagdating sa street bike category.

Ang kanyang 125cc ay madaling imaneho kahit na sa mga kalsada ng Metro Manila, Cebu at Davao kung saan marami ang motorista.

Isang linggo mula nang inuwi ay ramdam ng ating texter ang magandang kalidad ng preno na nakakabit dito. Ramdam niya ang malakas na stopping power nito nang walang maririnig na ingay.

At kung bigla man ang pagpreno—mula sa 40 kilometer per hour ay bababa ang takbo sa 5kph hanggang sa zero ay mahina lamang ang ingay na nalilikha.

Pero kapag kailangan nang palitan ang brake pad at brake shoe ay mapapansin ang ingay na nililikha ng replacement parts.
Upang maiwasan ito, mas maganda kung ang bibilhin na pad ay ang inirekomenda ng dealer.

Pero dapat ding ihanda ang bulsa dahil may kamahalan ito kumpara sa kalimitang brand na makikita na gawa sa China, Taiwan, Malaysia, South Korea at Thailand.

Ang Caloocan City ay isa sa pinanggagalingan ng mga replacement parts para sa motorsiklo at scooter. Kalimitan na ang mga bahagi ng preno ang unang bumibigay kung ang motorsiklo ay ibinibiyahe sa siyudad.

Ibang usapan naman kung ang motorsiklo ay kalimitang ginagamit sa mga rural area ng Mindanao kung saan mabato, malubak, maalikabok at basa ang kalsada.

Ang MOTOR section ay regular na lumalabas tuwing Miyerkules.  Para sa mga katanungan o komento mag-text sa 09178052374.

MOTORISTA
Wave oil
ANO ba ang magandang oil para sa Wave?
…8461

BANDERA
HINDI maselang sa langis ang Wave, 100 man o 125.  Basta SAE 40 at reputable brand.  Hindi tayo puwedeng magbanggit ng reputable brand oils dahil hindi naman natin sila advertiser.  Pero kung bago pa ang Wave mo, maaari kang bumili mismo sa deader.  Maganda ang makina ng Wave para sa pang-araw-araw na gamit.  Iyan nga ang paborito ng mga Bumbay dahil low maintenance iyan at kailangan regular ang pagpalit ng langis.

MAY reklamo ka ba sa E10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending