BF, parating na | Bandera

BF, parating na

Joseph Greenfield |April 30,2014
facebook
share this

BF, parating na

Joseph Greenfield - April 30, 2014 - 03:30 AM

Sulat mula kay F.R.,  ng Barangay Kabacsanan, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Sasapit na naman ang pinakamahalagang araw sa aking buhay at wala akong boyfriend na makakausap, mayayakap at makakatabi.
Nagkaroon na rin naman ako ng boyfriend subalit hindi naging maganda ang aming samahan. Magaling kasi siyang magsinungaling.
Ako’y nagduda sa magaganda niyang kuwento kaya’t tiniktikan ko siya, hanggang sa mabisto ko ang totoo niyang buhay.
Hindi ko ito ipinahalata sa kanya at naghintay ako ng araw na magsisinungaling na naman siya.
Prinangka ko na siya at di siya nakapagsalita. Dito naputol ang aming relasyon.
Darating ba sa buhay ko ang tunay, tapat at mabait na lalaki?
Umaasa,
F.R., ng Barangay Kabacsanan, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw naman ang Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinaharap ay maaaring isa o dalawang buwan lang ang lilipas, sigurado ang magaganap – bigla kang magkaka-boyfriend.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Two of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo ay isang lalaking nagtataglay ng initial na A.B. ang magiging boyfriend mo.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending