Kris kay Herbert: Pasensiya ka na, pagbigyan mo na ako, last na ‘to! | Bandera

Kris kay Herbert: Pasensiya ka na, pagbigyan mo na ako, last na ‘to!

Ervin Santiago - April 29, 2014 - 03:00 AM


MULING humingi ng paumanhin si Kris Aquino kay Mayor Herbert Bautista nang muli niya itong banggitin sa kanyang morning show na Kris TV sa ABS-CBN.

Nangako na kasi ang TV host-actress kamakailan na hinding-hindi na siya magsasalita on national TV ng kahit anong tungkol kay Bistek matapos ang ang announcement niya na friends na lang sila uli ng alkalde ng Quezon City.

Pero kahapon nga sa kanyang morning show kasama ang guest co-host na si Carmina Villaroel, muling chumika si Kris tungkol kay Bistek, aniya lahat daw ng kantang maririnig ng televiewers sa Kris TV (kahapon ng umaga) ay dedicated sa kanya, kabilang na diyan ang “With or Without You” ng U2 and Nina’s “I Don’t Want To Be Your Friend.”

Sey ng Queen Of All Media, “In the interest of clarity, nag-text ako at sinabi ko, ‘This is your playlist. Pasensiya ka na pagbigyan mo na last na ito. We will never gonna talk about you again for the rest of our lives.'”

“Hindi man ako makapagsalita, ito lahat ang nilalaman ng puso ko at alam mo naman ito. So ‘yung next na song, ito talaga ‘yon,” hirit pa ni Kris kasabay ng pagkanta nina Radha Cuadrado at Thor Dulaya ng “Separate Lives” ni Phil Collins.

Ayon pa kay Kris, “Lahat naman ng tao may karapatan na magkaroon ng pag-asa. I’m not saying in this particular instance pero…all of you must have gone through somebody you loved na if given a chance…

Nabasa ko ito kagabi, ‘If you could have a second chance to meet somebody all over again, who would it be?'”  Sa puntong ito, ibinalik ni Carmina kay Kris ang sinabi nito, na sinagot naman ng mommy ni Bimby ng, “Ayaw ko sagutin.

Lalaki ang ulo,” na obvious namang si Bistek pa rin ang tinutukoy.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending