Carla, Tom parehong sugatan ang mga puso, posibleng magkainlaban


NOONG Sabado ng tanghali, bago kami pumunta ni Richard Pinlac sa very important meeting namin sa Subic, dumaan muna kami sa presscon ng “So It’s You” movie ng Regal Films starring Carla Abellana and Tom Rodriguez, sa direksiyon ni Jun Lana.

Maganda ang trailer ng movie – nakakilig siya in fairness. And in fairness, sa casting pa lang ay panalo na – mga taga-My Husband’s Lover except for Dennis Trillo na di kasali sa cast.

Sayang nga lang at wala si Dennis pero kasama naman si Kevin Santos na medyo lumusog man nang konti pero guwapo pa rin.
“Huwag niyo nang tanungin si Carla tungkol sa private life niya.

Dito na lang tayo mag-concentrate sa movie. Kawawa naman kasi siya pag na-pressure sa kasasagot sa private life niya. Ha-hahaha!” lambing ni Mother Lily Monteverde na sobrang ganda ng hairstyle that day.

Pinaghandaan daw niya ang pagdating ni US Pres. Barrack Obama yesterday. Ang suot yata ni Mother Lily ay black gown na gawa ni Paul Cabral.

Pareho palang loveless ngayon sina Carla and Tom. Hindi naman lingid sa kaalaman nating may pinagdadaanang malaking bagyo sa kaniyang lovelife si Carla – mukhang malalim ang tampuhan nila ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.

Si Tom naman ay break na rin daw sa GF niyang si K-La Rivera kaya marami ang nagbibirong baka magkatuluyan sila ni Carla dahil pareho nilang kailangan ng shoulders to lean on.

May chika pa ngang kay Tom daw tumakbo si Carla para magsumbong ng kaniyang hinanakit sa problema niya kay Geoff.
“Nakakahiya kay Tom. Kasi nga, hindi naman totoo iyon.

Yes, Tom and I are friends pero bakit ko siya gagambalain gayong I still have my family and very good friends na handang dumamay sa akin, di ba? Tom is a very nice guy pero ayoko siyang distorbohin sa mga bagay na ito.

Tama na yung magkasama kami sa movie – magkaibigan pero ayoko siyang madamay sa problema ko. He doesn’t deserve that,” matter-of-factly na sabi ni Carla which we agree.

“Gusto kong mag-concentrate more sa work. Marami pa akong dapat gawin, maraming dapat asikasuhin sa career ko kaya nasa backseat muna ang lovelife. Happy naman ako this way, I want to hone my craft pa para mas maganda ang kalabasan ng works ko in the future.

I am very happy working with Carla. Sa tanong kung posible bang magkagusto ako sa kaniya – sino kaya sa tingin ninyong lalaki ang hindi magkakagusto sa isang babae like Carla Abellana? Maganda na, mabait pa at matalino.

But you know, hindi naman ganoon kadali – okay na yung magkaibigan muna kami. Who knows, di ba?” biro ni Tom. Hindi naman talaga solusyon sa isang love lost ang pag-jump agad to another relationship.

Hayaan na lang muna nating makapag-move muna sila bago sila pumasok sa panibagong relasyon. Or baka mauwi pa rin sila sa dati nilang karelasyon, di ba? Hindi natin alam.

Anyway, gusto kong panoorin ang kabuuan ng “So It’s You” movie na ito dahil parang nakakatawa siyang very romantic ang setting. Sa May 7 na pala ito ipalalabas kaya paghandaan na natin ito, okay?

( Photo credit to carlaabellanafanpage )

Read more...