Carla OK makipagbalikan kay Geoff, pero…


Hanga kami kay Carla Abellana dahil kahit na nakiusap pa si Mother Lily Monteverde sa media na huwag na itong tanungin pa hinggil sa personal niyang isyu sa ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann, ito na rin ang nagkusang magsalita para linawin ang estado ng kanyang lovelife.

Sey kasi ng bidang aktres sa pelikulang “So It’s You”, “Hindi naman kasi fair sabihing ginagamit ko ang isyu to promote our movie. Mabuti na rin pong nandito kayo (showbiz media) to also air my side on social media bashings on me.

“Una po, very personal ang isyu sa amin ni Geoff. We already talked at sa akin po ay okay ang aming break-up. Second, hindi po ako naglalasing at never at all na niyaya ko si Tom (Rodriguez) para pasayahin ako.

So unfair. Third, mas lalo pong hindi ako nagsasalita ng anumang negative on the issue so bakit hindi po yun maunawaan ng iba?”

Though umamin si Carla na hindi pa naman niya nilalagyan ng tuldok ang anumang posibilidad sa kanila ng ex o kahit na sa mga guys na gaya ni Tom (leading man niya sa So Its You), bongga ang tsika niyang, “Hayaan na lang po muna nating mabigyan ng time ang lahat.

There’s time for everything kahit na sa paghilom at pag-move on o pakikipag-bonding sa iba. “Mga tao lang po tayo at ang Diyos lang po ay may kakayahang manggulat o manorpresa sa ating future.

Ang importante, handa tayo at matatag,” chika ng Kapuso actress. Basta hoping pa rin daw si Carla na one of these days ay keri niyang masabi ang “So It’s You” sa sinumang itatakda sa kanya ng langit.

Showing na sa May 7 ang romcom movie na idinirek ni Jun Lana under Regal Films kung kasama rin sina Tom, JC De Vera at Bangs Garcia.

( bandera.ph file photo )

Read more...