Kambal na co-host ni Lucy sa TV5 show pinagtripan ng mga pulis?

NAKATANGGAP kami ng report na hinarang ang sasakyan ng Semerad twins na sina David at Anthony, co-host ni Cong. Lucy Torres-Gomez sa Celebrity Dance Battle habang papunta sila ng Makati City noong Sabado ng gabi para sa isang dinner.

Base sa kuwento sa amin ng taong nakuwentuhan ng mommy nina David at Anthony na nasa Australia, “Magkasama sina David at Anthony sa isang sasakyan at ang nagmamaneho ay girlfriend ni Anthony na si Bea (hindi binanggit ang apelyido) with some other friends.

“May na-cut si Bea (girlfriend ni Anthony) na isang sasakyan at bumusina siya kasi nagmamadali sila tapos bigla silang hinarang ng pulis at MMDA kasi violation daw iyon.

“Hindi alam ng kambal ang gagawin nila kasi hinihingan sila ng areglo. Tinatawagan nila si Arnold Vegafria na manager nila pero hindi nila makontak kasi nasa Singapore.

Pati handlers nila hindi nila makontak kaya ang mommy na lang nila ang tinawagan nila na nasa Australia. Kasi ‘yung daddy nila hindi makontak kasi nasa dessert, do’n ang work.

“Kaya ‘yung mommy ng Semerad twins, tumawag sa isang staff ng Celebrity Dance at ikinuwento nga nangyari. Blow by blow, tinetext nina David at Anthony sa mommy nila ang nangyayari habang kausap nila ‘yung mga pulis at mukhang ayaw silang pakawalan at ang ending sumama raw sa dinner ang mga pulis at nag-usap na hindi na sila kakasuhan.

“Medyo magulo ‘yung kuwento ng mother kasi nga nag-aalala na, may feeling na baka  nakipag-areglo sina David at Anthony sa mga pulis kasi nga dayuhan sila rito baka kung anong gawin sa kanila,” sabi sa amin.

As of this writing ay inaalam pa namin ang mga pangalan ng mga pulis na humarang diumano sa Semerad twins at bakit sumama pa sa dinner ang mga ito.  At kung saan eksakto sa Makati ito nangyari.

( Photo credit to newsinfo.inquirer.net )

Read more...