Daniel miss na miss si Kathryn


Inamin ni Daniel Padilla na sobrang na-miss niya si Kathryn Bernardo matapos ang halos isang buwan nilang hindi pagkikita. Hindi pala natuloy ang usapan nilang mag-meet sa Europe dahil hindi nagswak ang kanilang schedule.

Pero naiintindihan naman daw ni DJ ang sitwasyon. Pero aniya, constant naman daw ang kanilang communication habang magkahiwalay sila ng landas. Kaya nga sa ASAP kahapon, kitang-kita ang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Kilig na kilig nga ang mga manonood sa sweet moments ng Teen King and Queen ng ABS-CBN.  Kasabay ng ginanap na fans day ng dalawa sa ASAP, nag-celebrate rin ng kanyang birthday ang aktor.

Binigyan din siya ng surprise party ng kanyang pamilya noong kaarawan niya. Present din doon si Kathryn, “Opo, na-surprise talaga ako, awkward moment.

Sina mama (Karla Estrada), yung mga taga-Star Magic, sila yung nagplano.”  Wala pa raw regalo si Kathryn sa kanya, pero sabi ni DJ, okey lang daw yun dahil hindi na kailangan.

( Photo credit to danielpadillafanpage )

Read more...