Malalim ang kaugnayan ng Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa Timog-Silangang Asya, tulad ng Indonesia, Malaysia at Brunei, hindi lamang sa lengwahe kundi maging sa pagkain.
Ito ang aking nadiskubre nang bumisita ako kamakailan sa Brunei. Sa airport pa lamang ay may bumungad na sa akin na mga salitang Malay na sa unang dinig at pagbasa ay aakalain mong Filipino.
Narito ang mga halimbawa: “alamat” ay address o tirahan; “tanda-tangan” ay pirma o lagda; “berhenti” ay hinto o pansamantalang tumigil; “gigi” (parang gigil ang pagbigkas) ay ngipin; “tusuk-gigi” ay palito o toothpick, at “barang-barang” ay mga paninda.
Marami ring salitang Malay na aakalain mong bastos. Nariyan ang “susu” na ang ibig sabihin ay gatas, ang “titian” na tablang kahoy na ginawang tulay pala ang ibig sabihin, “tepuk” na palakpak lang pala para sa kanila, at “kikis” na ang kahulugan ay simutin.
Ginagamit din nila ang mga salitang “mahal” at “murah” kapag namimili ka sa palengke. Ang “kaya” ay mayaman, ang “biaya” ay gastusin, at ang “hutang” ay utang na hindi mabayaran.
Ay ambuyat
Matagal na akong hinihimok ng mga kaibigan kong taga-Brunei na tikman ang kanilang pambansang pagkain. Kaya naman sa aking pagbisita roon ay kinumbinsi ko ang aking pinsan na si Joseph at ang kanyang kabiyak na si Thelma na samahan ako kung saan maaaring kumain ng Ambuyat.
Nagtungo kami sa Amina Arif, isang family-owned, chain restaurant na naghahain ng tradisyonal o “kampung” style na pagkain. Sa Pilipinas, ang pinakamalapit na katumbas nito ay ang Aristocrat.
Ang Ambuyat ay gawa sa harina ng sago na nakukuha sa loob ng Rumbia palm tree. Maihahalintulad ang punongkahoy na ito sa puno ng niyog.
Ang nakalap na sago ay pinapatuyo at ginigiling nang pino upang maging harina. Niluluto ang harina na parang almirol pero mas malapot.
Dahil sobrang lapot at kapal ay kinakain ito sa tulong ng chandas, isang mahabang sipit na yari sa kawayan na parang chopsticks. Pinapaikot ang ambuyat sa chandas at isinasawsaw sa sarsa na may kasamang ulam.
Ambuyat Estimewa
Umorder kami ng “Ambuyat Set Estimewa untuk tiga orang” (espesyal na set Ambuyat para sa tatlong tao), pero dahil ito ay walang kasamang kanin, nagdagdag kami ng isang order ng “nasi goreng” o sinangag.
Pero tulad din ng kanin, ang ambuyat ay mabigat sa tiyan kaya kinakain lamang ito tuwing tanghalian.Para sa aking inumin, umorder ako ng “kasturi samboi ping,” isang matamis, maasim at maalat na inumin.
Ito ay parang iced tea na tinimplahan ng dayap, honey at pulang quiamoy. Ito ay isa sa mga paboritong pampalamig doon.
Kasama sa set ang “udang segar goreng” o inasnang pritong sugpo, “daging urat tumis” o karne ng baka na niluto sa curry, “ikan goreng” o pritong isda, at “pakis” o pako o wild fern na ginisa sa toyo, bawang at sili.
Mayroon ding “timun, lobak merah, sos cili panas” o ensaladang pipino at carrot na may maanghang na chili sauce at “cacah binjai,” isang uri ng “sambal belacan,” ang kanilang version ng ginisang bagoong pero ubod ng asim at anghang.
Nagtataglay ito ng “binjay,” isang bungangkahoy na kamag-anak ng kasuy at manga, na ginagawa rin nilang pampaasin sa kanilang bersyon ng sinigang o “sup asam.”
Lahat ng inorder namin ay Halal o pagkain na prinepara ayon sa utos ng Islam. Kung pagmamasdan mo ang aming hapag-kainan ay aakalain mong nasa Pilipinas ka lamang.
Matapos ang tanghalian ay naisip ko na upang manatiling buhay ang isang tradisyon, ito ay dapat nililinang upang magkaroon ng saysay sa isang komunidad. Tulad ng ambuyat na hanggang ngayon ay pinahahalagahan ng mga taga-Brunei.
Bilang kayamanang kultural, ang tradisyonal na kaalaman, kasanayan at kahulugan ng pagluluto ay nararapat lamang na ipinapasa sa bawat salin-lahi upang magkaroon ito ng katuturan at di mabaon sa limot.
Kung may mungkahi, reaksyon o katanungan, mag-text po lamang sa Smart: 0947 693 0231 at sa Globe/TM: 0936 591 6380. Huwag kalimutan isulat ang pangalan at lugar. Salamat po.
Ambuyat
Ingredients
6 cups sago flour
Boiled water
4 cups of water
Method
Mix the sago flour with 4 cups of water and soak for 10 minutes. Drain the water and pour sago into a heat proof container. Pour boiled hot water over. Mix well until the starch forms into a thick, glue-like consistency.
Pakis (Stir fried Pako or wild fern)
Ingredients
500g pako (wild fern)
2 tablespoons vegetable oil
1/4 cup sliced shallots (sibuyas Tagalog)
3 tomatoes, sliced
3 teaspoon chopped garlic
3-4 chopped pieces bird’s eye chilies (siling labuyo)
2 tablespoons shrimp paste
Method
In a wok, heat oil and stir fry the shallot, garlic, tomato, and chilies until fragrant. Add the shrimp paste and stir fry for another minutes. Stir in the pako and cook until the leaves are tender. Season with toyo and black pepper.
Ikan asam (sour curry fish)
Ingredients
1/2 kg Spanish Mackerel (tanigue o tanguinggue)
3 shallots (sibuyas Tagalog)
2 1-inch fresh turmeric (luyang dilaw), pounded
2 1-inch fresh ginger, pounded
3-4 pieces bird’s eye chilies (siling labuyo)
3 lemon grass (tanglad), lightly pounded, white part only
2 tablespoons dried tamarind paste
1/2 teaspoon salt
2 cups of water
Method
Clean the fish and cut into 5 slices. Place into a saucepan together with the rest of the ingredients. Bring to a boil. Once it starts to boil, lower the heat and simmer for 30 minutes or until the fish is well cooked.