Rachelle Anne inisplitan si Slater Young, sagabal sa Miss Saigon


Break na pala sina Rachelle Ann Go and former PBB winner Slater Young. Hindi nag-prosper ang kanilang love story, maybe because they are miles apart.

Nasa ibang bansa kasi si Rachelle as part of the “Miss Saigon” cast. So, naiwan dito si Slater. Actually, parang wala namang confirmation na magdyowa na talaga sila pero judging from the way they behave ay marami ang naniniwalang they’re a couple talaga.

Ayaw sabihin ni Slater ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Did distance play a major part in the separation? Slater would not confirm.

Anyway, mas makabubuti na rin sigurong maghiwalay muna sila para makapag-concentrate si Rachelle sa kanyang nakapagandang career ngayon. Baka maging isang major distraction lang sa kanya ang pagkakaroon ng love life.

 

Read more...