In fairness, hunk na hunk na ang itsura ni John Lloyd Cruz ngayon, matapos nga siyang sumailalim sa halos anim na linggong strict diet at exercise. Pero maraming nadismaya dahil hindi man lang daw ipinasilip ni Lloydie ang kanyang katawan.
Sa mga lumabas kasing litrato sa social media, puro nakasando lang ang kuha ng Kapamilya matinee idol, mas winner daw sana kung ibinandera niya ang pagliit ng kanyang tiyan at pagkakaroon ng matigas na dibdib.
Ayon sa ulat, nabawasan ng 18 lbs si Lloydie matapos ang kanyang diet pero mas malaki pa raw sana ang ibababa ng kanyang timbang kung hindi siya naaksidente sa bike ilang linggo na ang nakararaan.
Natigil daw kasi nang ilang araw ang kanyang pagpapapayat dahil kailangan niyang magpagaling muna.Sa isang event sa Boracay rumampa si John Lloyd nang nakasando lang kung saan ipinagmalaki nga niya ang kanyang katawan.
Maraming beki ang nagsabi na mas gumuwapo siya ngayon at mas naging delicious, pero may mga nakachika naman kami na mas yummy daw ang aktor noong medyo chubby-chubby siya. Iba-iba talaga ng taste ng mga tao, ‘no!
( bandera.ph file photo )