Speaking of pagpayat, tinanghal namang grand winner si Bryan Castillo ng Team Magkapatid sa finals night ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles last Saturday night.
Pumasok siya sa Biggest Loser ng may 293lbs, but ended with a final weight of 139lbs.Tinalo niya ang finalists na sina Francis Asis at Osie Nebreja ng BigaTeam, at si Kayen Lazaro of Mag-asawa Team.
Si Mommy Osie, 45 years old, ang 3rd runner-up na may final weight ng 147 lbs. mula sa dati niyang timbang na 280lbs. Second si runner up si Francis, na siyang pinakamabigat sa contest, dati siyang 305 lbs. na naging 156 matapos ang kumpetisyon.
Si Kayen naman ang tinanghal na first runner up na nagsimula ng may 287 lbs but finished the race with 142lbs.
( Photo credit to EAS )