Toni: Alam ko magiging ina rin ako, pero hindi pa ngayon!

KALAT na kalat ang chika na inggit na inggit daw si Toni Gonzaga sa kaibigang si Bianca Gonzales dahil sa nalalapit nitong pagpapakasal sa basketball player na si JC Intal.

Sey ng bashers ng TV host-actress, ang arte-arte raw kasi niya kaya hanggang ngayon waiting pa rin siya sa proposal ni direk Paul Soriano.

Depensa ng isa sa mga host ng PBB All In ng ABS-CBN, kahit kailan daw ay wala siyang naramdamang inggit sa mga kaibigan niyang maligaya ang personal na buhay, lalo na kay Bianca na parang sister na rin ang turing niya, “Walang inggit factor, I’m happy for Bianca.”

“Kapag nakikita mong nagri-reach ng milestone ang kaibigan mo in her personal life, you can only be happy for her,” aniya pa.
Mahigit pitong taon na ang relasyon nila ni direk Paul, samantalang sina Bianca at JC ay three years pa lang, kaya ang chika ng mga tsismosa, baka raw siya talaga ang may problema, kung tutuusin hinog na hinog na siya sa pag-aasawa.

“Hindi naman kasi ako yung, bata pa lang, ang biggest dream na is to get engaged, to be married. Kasi, alam ko talaga na darating talaga sa panahon ng isang babae na magse-settle down, magpapakasal.

But hindi talaga siya yung biggest goal ko,” pahayag pa ng TV host. Hirit pa nito, “I know that one day, I will be a mom, I will be a wife. Pero not yet now siguro.”

( Photo credit to tonigonzagafanpage )

Read more...