Banta ni Claudine: Mga baho ni Raymart pasisingawin
Naniniwala si Claudine Barretto na ang pagsasampa ng kasong robbery laban sa kanya ng korte ay bahagi pa rin daw ng pagkukuntsabahan ng dati niyang husband na si Raymart Santiago at sisterakang si Gretchen Barretto.
Sa nabasa naming statement from her lawyer, ipinagdiinan ng aktres na nangangamba siyang hindi talaga titigil ang dalawa hangga’t hindi siya nakukulong.
Recently, Claudine was slapped by robbery case after her qualified theft complaint against her two former maids was junked by the Marikina Regional Trial Court.
At dahil nga rito, napilitan na naman ang estranged wife ni Raymart na maglabas ng kanyang sama ng loob. Nagbanta si Claudine na hindi rin siya titigil sa paglaban sa mga taong patuloy na sumisira sa kanyang pangalan at pagkatao, at kung kinakailangan, talagang papangalanan na niya ang iba pang taong katulong nina Raymart at Gretchen sa pagtahi-tahi ng kuwento para masira siya.
Ngayon daw ay hindi na siya magdadalawang-isip na ibandera ang lahat ng itinatagong baho ng kanyang dating asawa.
( Photo credit to claudinefanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.