ANO bang mayroon ang hangin ng Disyembre partikular ang mga huling araw nito? Bakit tila mas type ng mga taga-showbiz na wakasan sa isang trahedya ang buhay nila?
Kamakailan nga lang ay muling nilinaw sa kuwento ni Rep. Jack Enrile ang “infamous” suicide case noon ng 80s matinee idol na si Alfie Anido.
Baril ang tumapos sa buhay nito at kahit nasa mas modernong panahon na tayo ay nakakapangilabot pa ring basahin ang kanyang kasaysayan lalo pa’t kung tititigan mo ang mga larawan niya’t mga kuha noong kasagsagan ng kasikatan niya’y iisipin mong walang kuwentang paraan ang ginawa niyang pagkitil sa sariling buhay.
December din noon nang mabalitang nagpakamatay diumano ang matinee idol at GMA talent na si Marky Cielo, na produkto ngStarstruck.
At bago nga magpaalam ang 2011, isa pang napakabatang artista na produkto rin ng Starstruck ang napabalitang nagpakamatay gamit ang baril.
Si Tyron Perez nga na naging bida sa “Twilight Dancers” ni Mel Chionglo, at nakasama rin sa seryeng Momay ng ABS-CBN.Early this December nga lang ay napanood pa namin ito sa MMK, kung saan sya gumanap na lover ni Ejay Falcon.
Huling teleseryeng nilabasan niya ay ang Mula Sa Puso, at sa nakalap naming balita ay may nakatakda uli syang gumawa ng soap ngayong 2012.
Bukod sa anggulong suicide ay hindi pa rin inaalis ng mga imbestigador ang posibilidad na may foul play sa pagkamatay ng aktor.
May tsika namang ipinahayag ang manager nitong si direk Jerry Sineneng sa pamamagitan ni kuya Boy Abunda sa Bandila ng ABS-CBN na ilang araw na pala itong kinukontak ng direktor-manager para sa isang proyekto pero hindi nga ito makausap.
Ang huling pag-uusap diumano nina direk Jerry at Tyron ay ang pagsasabi nitong magku-quit na showbiz at sasamahan na lang sa USA ang kayang flight attendant na asawa?
Nakakaloka ang mga naglalabasang tsika kapatid na Ervin, 26 anyos lag si Tyron at wala namang makapagsabi kahit ang mga malalapit nitong kaibigan na may pinagdadaan ito.
Balitang-balita rin na pinoproblema raw ng actor ang mga utang niya sa mula sa pagsusugal. May katotohanan nga kaya ito?
Nakakaloka! Sumalangit nawa ang kaluluwa mo Tyron na nakilala namin sa Twitter world na mahilig maghanap ng mga lutong bahay na ulam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.