WIZARDS NASILAT ANG BULLS SA OVERTIME | Bandera

WIZARDS NASILAT ANG BULLS SA OVERTIME

- , April 24, 2014 - 12:00 PM

CHICAGO — Gumawa si Bradley Beal ng 26 puntos habang si Nene ay kinamada ang anim sa kanyang 17 puntos sa overtime para pamunuan ang Washington Wizards na talunin ang Chicago Bulls sa overtime, 101-99, kahapon at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang first-round playoff series.

Bumangon ang Washington mula sa 10 puntos na paghahabol sa ikaapat na yugto matapos na sayangin ang 17-puntos na bentahe sa unang yugto.

Ginawa ni Nene ang unang anim na puntos sa overtime matapos na mabantayan ni NBA Defensive Player of the Year Joakim Noah sa regulation at nagawang makalusot ng Wizards matapos na sumablay si Kirk Hinrich sa kanyang free throws sa foul line sa huling mga segundo ng laro.

Si D.J. Augustin ang nanguna para sa Chicago sa ginawang 25 puntos habang si Taj Gibson ay nag-ambag ng 22 puntos at 10 rebounds.

Si John Wall ay nagtala ng 16 puntos at pitong assists para sa Washington, na siyang magsisilbing host sa Game 3 ng best-of-seven series ngayong Sabado

Mukhang maayos pa ang Bulls matapos makuha ang 87-77 kalamangan may limang minuto sa ikaapat na yugto at lamang pa sila sa iskor na 91-85 nang pangunahan ni Beal ang pagbangon ng Wizards sa laro.

Tumira si Beal ng 3-pointer para makadikit ang Washington sa 91-88 bago sinundan ito ng isang floater para makadikit sila sa isang puntos. Ipinasok naman niya ang isa sa dalawa niyang free throws may 52.9 segundo ang nalalabi sa regulation para itabla ang laro sa iskor na 91-all.

Raptors 100, Nets 95
Sa Toronto, umiskor si DeMar DeRozan ng 30 puntos habang si Jonas Valanciunas ay nagtala ng 15 puntos at 14 rebounds para tulungan ang Toronto Raptors na daigin ang Brooklyn Nets at itabla ang kanilang first-round playoff series sa 1-all.

Si Amir Johnson ay nagdagdag ng 16 puntos habang si Kyle Lowry ay nagdagdag ng 14 puntos para sa Raptors na nakabangon buhat sa 94-87 pagkatalo sa Game 1.

Itinala naman ni Valanciunas ang ikalawang sunod na playoff double-double.

Si Joe Johnson ay gumawa ng 18 puntos, si Deron Williams ay nag-ambag ng 15 puntos at si Mirza Teletovic ay may 14 puntos para sa Nets, na magsisilbing host ng Game 3 ngayong Sabado.

Si Paul Pierce ay tumira ng 2 for 11 mula sa field, kabilang ang 0 for 6 sa 3-point range para magtapos na may pitong puntos para sa Brooklyn.

Nagdagdag si Kevin Garnett ng 13 puntos at si Shaun Livingston ay may 12 puntos para sa Nets.

Pacers 101, Hawks 85
Sa Indianapolis, nagtala si Paul George ng 27 puntos, 10 rebounds at anim na assists para ihatid ang Indiana Pacers sa pagwawagi laban sa Atlanta Hawks.

Tabla naman ngayon ang Pacers at Hawks sa  1-all papasok sa Game 3 sa Atlanta bukas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Luis Scola ay nagdagdag ng 20 puntos at pitong rebounds para sa Pacers habang si George Hill ay may 15 puntos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending