MAY lungsod, munisipalidad o lalawigan ka ba na alam na ang mayor o gobernador ay hindi nagsasabit ng tarpaulin o poster na naroroon ang kanilang pangalan at larawan?
Sa isang lugar na napuntahan ko, hindi mo aakalain na meron palang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ayaw umepal.
Ang tinutukoy kong lugar ay ang Lungsod ng Olongapo at ang pinatutungkulan kong alkalde ay si Mayor Rolen Paulino.
Nakagawian na ng mga halal ng bayan, kahit sa Olongapo City, kahit nga konsehal o barangay kagawad lamang ang posisyon na maglagay ng kanilang picture sa iba’t ibang dako na kanilang nasasakupan.
Pero kakaiba ngayon sa Olongapo City.
It was one of his many campaign promises and I am glad that Mayor Paulino or simply Rolen as he is called by many, kept his word.
Ang makikita mo ngayon sa Olongapo City, isang caricature ng mukha na kumakatawan kay “Juan Dela Cruz” na simbulo ng pangkaraniwang mamamayan.
By placing the image of someone representing Juan Dela Cruz, or the people of Olongapo City, the mayor conveys the message that someone from their ranks, an ordinary Juan Dela Cruz is now the Chief Executive of the City.
Maaaring simbolismo lamang pero dama ang katotohanan. Umaasa ako na hanggang sa dulo ng kanyang panunungkulan ay manatili ang simbolismo ng imahe ni Juan Dela Cruz sa Olongapo City.
Tamang ikinabit sa simbolismong ito ang mga salitang “Good Governance and Transparency” dahil iyon ang inaasahan ng bawat Juan dela Cruz sa naturang lungsod.
First term ni Paulino bilang alkalde pero matagal na siya sa pulitika sa Olongapo. Marami na rin siyang pinagdaanan. Marami pa siyang pagsubok na dadaanan at isa na riyan ay kung kaya niyang manatili sa di pag-epal.
Isa lang ang hiling ng mga Juan dela Cruz ng naturang lungsod, at ito ay ang pananatili ng kanyang paninindigan sa mga salitang kanyang binitiwan.
Maganda ang kanyang ipinapakita ngayon at harinawa’y ang magandang nasimulan ay maipagpatuloy hanggang sa wakas ng kanyang termino.
Kung ang isang Juan dela Cruz ang namumuno ngayon sa naturang lungsod, sana, ang suporta ng iba pang mga Juan dela Cruz sa naturang lungsod ay maipamalas din.
Ang tagumpay ng isang Juan dela Cruz sa pamamahala ay nakasalalay din sa tulong ng bawat Juan dela Cruz na kanyang nasasakupan.
Kilala na nga naman ang alkalde, bakit pa nga naman ikakalat pa ang larawan o poster ng namumuno?
Para sa isang pulitiko na nangangailangan ng second o third term, mahirap gawin ito. Pero bakit nagawa ito sa Olongapo?
Walang epal sa ‘Gapo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...