Sheppard wagi sa Stage 1 ng Le Tour | Bandera

Sheppard wagi sa Stage 1 ng Le Tour

Mike Lee - April 22, 2014 - 03:00 AM


ISINANTABI ni Eric Timothy Sheppard ng OCBC Singapore Continental Cycling team ang nakakapasong araw nang makakawala sa mga katunggali sa huling 15-kilomentro tungo sa pagdodomina sa 2014 Le Tour de Filipinas Stage One na nagsimula sa Clark, Pampanga at nagtapos sa Olongapo City National High School kahapon.

Napagtiyagaan ni Sheppard na habulin ang pitong siklista na lumayo sa pagpasok sa Floridablanca Exit ng SCTEX at sa ikatlong King of the Mountain na natapos sa Morong Gate ay nasa ikalawang puwesto na siya kasunod ni Kwon Soonyeong ng KSPO Continental team ng Korea.

Pagsapit sa lusungan ay hindi na nagpaawat ang 22-anyos na siklista at iniwan si Kwon tungo sa solong pagtawid sa meta sa harap ng libu-libong  manonood na nagtiyagang hintayin ang pagtatapos ng 160-kilometrong karera na nagpasimula sa apat na araw ng Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 katuwang ng Ube Media.

Bago ang karera ay ipinakita ni Sheppard ang pagiging game nito nang sa welcome dinner na inihandog ng Clark Development Corporation (CDC) noong Linggo ng gabi ay pinaunlakan ang pagsayaw ng tinikling.

Galing din sa katatapos na Tour of Thailand, si Sheppard ay naorasan ng apat na oras, tatlong minuto at 52 segundo para isuot ang purple jersey sa Stage Two ngayong umaga.

Nasa dalawang minuto at 40 segundo ang layo niya sa limang siklista na tumapos sa ikalawang puwesto sa 4:06:32 at kasama rito ang kakamping si Goh Choon Huat na nalagay sa ikalimang puwesto.

( Photo credit to inquirernewsservice )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending