Masyado raw kasing “wrong timing” ang kanilang pagbibida sa publiko lalo pa’t may napakalaking problema ang ilang lugar sa Mindanao na sinalanta ng bagyong Sendong.
Bukod kasi sa pagiging public servant at Pambansang Kamao, kilala ring matulungin sina Pacquiao kaya natural na tinitingnan sila ng masang Pilipino bilang inspirasyon at pinaghuhugutan din nila ng pag-asa sa buhay.
“Sobrang yabang at pangmataas na lebel ng publisidad ang nangyari sa extravagant gift giving nila ng yate.
Masyadong nakaka-distract sa panahon ngayon na nagluluksa ang marami nating kababayan sa Mindanao,” pag-analisa ng isa naming kaibigan.
Ayaw naman naming isiping may inggit o intriga rito mga Ka-BANDERA dahil entitled naman ang mag-asawa sa kung anumang paraan nila gustong lustayin ang kanilang pera.
Pero ang usapin nga rito ay yung imahe at mensahe na naipapahatid nito lalo na sa mga inaawitan at hinihingan natin ng tulong sa labas ng bansa.