Ang nakarating sa aming balita, from three times a week na taping ay naging once a week na lang ang taping ng nasabing TV series.
With this, naurong daw ang airing nito at hindi na ito ipapasok sa original schedule.
Sabi ng isang source, sobrang naapektuhan din si Piolo sa paghihiwalay nila ni KC lalo pa’t kung anu-anong tsismis pa ang ikinabit sa kanya pagkatapos bumandera ang kanilang hiwalayan.
Very cool outside si Piolo but he’s really hurting inside, say pa na aming kausap. Magaling lang daw talagang magtago ng kanyang nararamdaman ang aktor pero deep inside, talaga raw sobrang sakit ng kanyang feeling.
Sa kanyang mga interview naman kasi ay very much unaffected ang drama ng actor. He’s putting up a brave front, very typical of him.
Going back to his soap opera, his opening salvo for the year, nabalitaan namin na in terms of his role ay very daring daw si Piolo.
Sa Padre de Pamilya kasi ay role ng isang paring nagkaanak ang ginagampanan niya, something that he has not done in the past whether in the movies or on television.