Destiny para sa mahusay na actor na si Ronnie Lazaro ang pagiging direktor niya for the first time sa indie film na “Edna” produced by Anthony “Tonet” Gedang’s film outfit Artiste Entertainment Works International.
Ni sa hinagap ay ‘di raw niya naisip na magiging director siya. Thanks to his former pal and now a successful businessman na si Tonet na nagtiwala sa kanya na idirek ang “Edna.”
“Kapag tinatanong nga ako lagi kong sinasabi artista na lang ako kasi marami nang director, e. Tapos si Tonet, he’s weird kasi when I went to Manila from Bacolod, bakasyon ako.
During summer breaks ng high school days, dito ako, sa may Pasong Tirad. Kapitbahay namin sila. So, we see each other. Tapos naggigitara pa ako. Then, nagkita kami ni Tonet,” kwento ni Direk Ronnie.
Gusto raw gumawa ulit ng pelikula ni Tonet at sakto may ideya si Ronnie na isang kwento about OFW. Kinuwento niya kay Tonet at nagustuhan ng producer. In the end, sinabi sa kanya ni Tonet na siya na rin ang magdirek ng pelikula.
Kinuha naman niya ang suporta ng mga kaibigan niyang cinematographers na sina Larry Manda at Arvin Viola for the technical aspects of the film.
Ngayon pa lang ay may mga invitation nang natatanggap si Tonet for exhibition ng “Edna” both sa local and international film festivals.
Ang film outfit din ni Tonet ang nag-produce ng award-winning indie film na “Ataul For Rent” na lumaban sa 31st Cairo Film Festival sa Egypt noong 2007.
Ibang klaseng experience raw ang natutunan niya sa pagdidirek ng kauna-unahan niyang pelikula. “Oh, yeah. At saka artista rin ako so how do I do it for a first time director at the same time acting.
So, I don’t know how to describe it (experience sa pagdidirek) but there was a moment na parang lahat ng creative juices mo talagang matutuyuan ka kasi you know, at the same time, you have to be aware that you have certain number of sequences you have to finish. It’s an expense of the producer if you don’t later on.
But at the same time you have to come out with a quality film. You cannot just throw it away.” Meron namang panawagan si Ronnie kay Senator Grace Poe at iba pang taga-pangalaga ng movie industry na nasa posisyon tulad nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.
“Gusto ko sanang makausap si (Senator) Grace Poe o sinumang mga stakeholders ng ating industriya, na sana masabi natin na sana sa isang buwan, may isang linggo o kaya sa dalawang buwan may isang linggo o kaya sa tatlong buwan may isang linggo na kagaya ng MMFF na merong all-Filipino films ang ipinapalabas sa buong Pilipinas.
Kung pwede lang natin mahingi ‘yan para magkaroon ng trabaho at magkaroon ng excitement pa para gumawa ng magandang pelikula,” diin niya.
( Photo credit to INS )