Cedric Lee, 4 iba pa hinahanting ng NBI

HINAHANTING na ng National Bureau of Investigation sina Cedric Lee at apat na iba pang akusado sa pambubugbog sa TV host/komedyante na si Vhong Navarro.
Bago ito ay inatasan ni Justice Sec. Leila de Lima ang NBI na arestuhin sina Lee, kapatid nitong si Bernice, Simeon Raz, Jose Paolo Calma at Ferdinand Guerrero makaraan silang mabigong maglagak ng piyansa para sa kasong grave coercion.
Sa grupo ng mga kinasuhan, tanging sina Jed Fernandez at Deniece Cornejo pa lamang ang naglagak ng piyansa sa Taguig Metropolitan Trial Court Branch 271.

Read more...