Anne baka raw mabuntis sa 2012 | Bandera

Anne baka raw mabuntis sa 2012

|December 27,2011
facebook
share this

Anne baka raw mabuntis sa 2012

- December 27, 2011 - 03:22 PM


MARAMI ang nanghuhula na mas magiging bonggang-bongga ang career ni Anne Curtis sa 2012 – pero ‘yan ay kung hindi raw siya magpapakasal o mabubuntis.

Isang manghuhula ang nakachikahan namin at napag-usapan nga namin ang tinaguriang Princess of All Media.

Aniya, kung hindi  mag-iingat si Anne maaaring mabuntis siya sa susunod na taon.

At kapag daw nangyari ito, bigla raw mawawala ang ahat ng pinaghirapan niya sa kanyang career.

Pero sa kabila   nito, makakabawi pa rin si Anne kapag nakapanganak na siya.

Ang sabi namin, mukhang alam naman ni Anne kung ano ang priority niya sa buhay, at in fairness, tahimik ang kanyang lovelife (sa piling ng kanyang boyfriend na si Erwann Heussaff), walang masyadong intriga sa kanyang personal life.

At feeling namin, maingat naman ang TV host-actress pagdating sa kanyang pakikipagrelasyon.

Anyway, sabi ni Anne, talaga raw napakaswerte niya nitong 2011 dahil halos lahat daw ng pinangarap niyang mangyari ay natupad, “Sobrang thankful and grateful lang talaga ako sa lahat ng blessings na dumating sa akin nitong 2011.”

Marami naman ang nagtatanong kung ano nga bang meron kay Anne at talagang siya ang sikat na sikat ngayon – box-office queen para sa movie niyang “No Other Woman”, successful TV host ng Showtime, matagumpay na recording artist at magkakaroon pa ng concert sa January.

“I think having a lot of patience has a lot to do with whatever has come your way -prayers, patience. Praying for patience is one, I think, is the key to maybe the success that I have right now,” sagot ng aktres.

Ano naman ang expectations niya sa 2012, sa tingin ba niya magpapatuloy ang swerte niya next year, “Alam n’yo, sa 14 years na I’ve been in the industry, I really feel that in all aspects of me sinubukan ko na talaga so I’m so grateful and there is really nothing more that I can ask for, happy na ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Say pa ni Anne, balak daw niyang magkaroon ng sariling business very soon, “Yes, I wanna have my own business line, my own lipstick line, my own fragrance line, my own lingerie line.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending