GRABE! As in nag-trending kahapon ang mga nakakalokang tweet at Instagram photos ng Hollywood hunk na si Zac Efron. Ito ‘yung tungkol sa pagtanggap ng award ng international celebrity sa nakaraang 2014 MTV Awards.
Nanalo kasi si Zac ng Best Shirtless Performance sa pelikulang “That Awkward Moment”, at nang magtungo na siya sa stage para tanggapin ang kanyang award, sinira ng Hollywood star na si Rita Ora ang bulue polo ng hunk American actor hanggang sa tumambad na nga sa audience at sa buong mundo ang kanyang katawan.
At kahapon nga, puro tungkol sa paghuhubad ni Zac Efron ang nasa Twitter at Instagram, at isa nga sa mga local celebrities na hindi nakapagpigil sa panggigigil sa kaseksihan ni Zac ay ang Kapamilya leading lady na si Anne Curtis.
Ayon kay Dyesebel, “Guys! D ko na talaga kaya ung hotness ni Zac. Tama na. Hahahahaha!!! Hay!!!” Nang may magtanong na follower niya kung nakita na niya nang personal ang Hollywood hunk, ang sagot ng TV host-actress, “Yes! I actually attended his Fan Con (conference)!” Meaning, talagang noon pa fan ni Zac ang tinaguriang Twitter Queen.
Hirit pa nga ni Anne habang flooding ang mga nakahubad na pictures ni Zac Efron sa kanyang social media account, “Pwede bang MINE? HAHA Wala na I’m going crazy! Sorry guys for the Zac Flood. D ko lang sya talaga kinaya today. Sooooooooorrrrry pooooooooo!”
Ano naman kaya ang mase-say dito ng dyowa ni Anne na si Erwan Heussaff? Ha-hahaha! Hindi kaya biglang atakihin ng selos ang utol ni Solenn kapag nalaman niya na “kumikiri” ang kanyang girlfriend kay Zac? Ha-hahaha!
Ito pa ang nakakaaliw, ilang fans ni Anne ang nag-photoshop ng mga litrato ng aktres bilang si Dyesebel kung saan inilagay nila ang mukha at katawan ni Zac.
Biro ng isang follower ni Anne, pwedeng-pwede si Zac na gumanap na Fredo kung gagawa ang Star Cinema ng Dyesebel the movie. At super agree naman diyan si Anne. Ha-hahaha!
Anyway, tuluy-tuloy pa rin ang mga makapigil-hininga at nakakakilig na eksena sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Dyesebel. Ano nga kaya ang gagawin niya kapag naipit na siya sa dalawang lalaking magkakagusto sa kanya – sina Liro (Sam Milby) at Fredo (Gerald Anderson)?
Paano nga kung magkaroon ng paa at mamuhay ng tulad ng normal na tao? Makilala pa kaya niya ang tunay niyang ina? Hanggang kailan siya makakatagal sa buhay bilang isang sirena?
Pero alam n’yo kung ano ang hinihintay ko, ang mga magiging eksena ni Dyesebel at ng kontrabidang si Betty (Andi Eigenmann)? Napapanood pa rin ang Dyesebel sa Primetime Bida sa direksiyon nina Don Cuaresma, Francis Pasion at Darnrel Joy Villaflor.
( Photo credit to annecurtisfanpage )