Roxanne Cabanero kay Vhong: Wala nang atrasan ‘to!


WALANG planong umurong sa laban ang dating beauty pageant contestant na si Roxanne Cabanero na nagsampa rin ng kasong rape laban kay Vhong Navarro.

Sa isang TV interview, sinabi ni Roxanne na hindi siya magpapadala sa mga nagsusulsol sa kanya na iatras na ang kasong panggagahasa na ibinato niya laban sa TV host-comedian.

Ito’y matapos ngang i-dismiss ng Department of Justice ang kasong rape ni Deniece Cornejo laban sa komedyante.At ngayon nga ay nabaligtad pa ang sitwasyon dahil sina Deniece, Cedric Lee at iba pang kasamahan nila ang pinaghahahanap ngayon ng mga otiridad matapos na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga ito dahil sa mga kasong grave coercion.

Ayon kay Cabenero, kakampi raw niya ang katotohanan at hindi siya natatakot sa labang ito dahil siya ang biktima rito, “No (hindi nababahala). Sinasabi ko ‘yung totoo. Hindi ako mawawalan nag pag-asa o madi-discourage, no.

“If na-dismiss ‘yung kaso niya kay Deniece, that I don’t know why kasi hindi na ako nakikinig ng mga balita. I’m not reading anything anymore, kasi lahat ng comments nasasaktan ako.

So I try to avoid that part,” sabi pa niya sa nasabing interview. Para naman kay Vhong, umaasa siya na madi-dismiss din ang kasong rape ni Roxanne laban sa kanya tulad ng kay Deniece dahil wala naman daw talagang nangyari sa kanila ng girl.

At kahit daw marami pang babaeng lumantad at magsampa ng rape case laban sa kanya, haharapin niya ito nang buong tapang.

Read more...