NAGSAYAW si Mommy Dionesia sa birthday presentation ni Vice Ganda sa kanyang Sunday show na Gandang Gabi Vice.
Through the guidance of a dancer ay isinayaw ni Mommy D ang song ni Beyonce na “Drunk In Love”.
On top of that ay kumanta pa siya ng Miley Cyrus hit song na “Wrecking Ball”. Inawit niya ang chorus line ng pinaka-popular song ni Miley, much to the delight of Vice Ganda’s audience. Aliw na aliw ang crowd.
Nag-trending topic si Mommy D last Sunday.
Actually, dalawang beses pinag-usapan si Mommy D. ‘Yung una ay ‘yung paglapit niya kay Timothy Bradley after his fight with Manny Pacquiao. Niyapos pa niya ang American boxer after the match. But before that, nagdasal ang mother ni Manny na nakunan ng photo. Pinag-usapan sa social media ang pagdadasal niyang iyon.
With this ay merong nagkaideya na pagsamahin sa isang movie sina Vice at Mommy D. Pinulsuhan ng isang Facebook fan page ang netizens kung magki-click sa moviegoers kung sakali na magkasama ang dalawa. Idinaan sa poll ang survey at ang daming nagkagusto sa possible na pagsasama sa movie ng dalawang popular personalities.