Pacmom nag-sorry kay Bradley matapos talunin ni Manny

DIONESIA PACQUIAO AT TIMOTHY BRADLEY

Minsan pang pinalutang ng Pambansang Kamao ang kanyang lakas at kahenyuhan sa pagboboksing. Tinalo niya nang walang kuwestiyon ang Boy Daldal ng mundo ng boxing na si Timothy Bradley, Jr. na walang nagawa kundi ang tanggapin na lang na si

Manny Pacquiao talaga ang isa sa iilang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Nagbubunyi na naman siyempre ang buong bansa sa pananalo ni Pacman, ang mga kaibigan naming galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Amerika ay bumiyahe pa papuntang Las Vegas para saksihan ang laban ng Pambansang Kamao, ramdam ang kanilang presensiya dahil sa buong laban ng ating kampeon ay dinig na dinig ang mga sigawan at suporta ng mga Pinoy sa kanya.

At siyempre pa, agaw-eksena si Mommy Dionisia na kinausap pa ang katunggali ng kanyang anak nu’ng matapos na ang laban. Nakipag-Inglisan si Mommy D kay Bradley, ayon kay Manny ay nag-sorry daw ang kanyang ina kay Bradley dahil sa pagkatalo nito sa kanya, nag-iisa lang talaga ang dakilang ina ni Pacman.

Buo ang loob, positibo ang takbo ng isip, desidido si Pacman na pataubin si Bradley sa pag-akyat pa lang niya sa ring. Hindi siya kinalawang, malalakas na suntok pa rin ang ipinakain niya kay Bradley, kaya tanggap na nito ngayon na walang mangyayari sa puro daldal lang sa interbyu lalo na kapag isang tulad ni Manny Pacquiao ang kaagawan sa belt.

Nasa Los Angeles na ngayon ang Pambansang Kamao, bukas siya nakatakdang dumating sa bansa, siyempre pa’y isang mainit na pagsalubong ang nag-aabang sa kanya sa Saranggani dahil sa kanyang matagumpay na laban.

Mabuhay ang Pambansang Kamao! Mabuhay ang mga Pinoy! Minsan pang isinulat ni Pacman ang pangalan ng ating bayan sa mapa ng buong mundo sa positibong paraan.

Read more...