Bong: Kung gusto kong tumakbo, sana di na ako bumalik!

BONG REVILLA

Nakauwi na ng Pilipinas si Sen. Bong Revilla, at tulad nga ng kanyang pangako, babalik siya ng bansa para harapin ang lahat ng akusasyon laban sa kanya na may kinalaman pa rin sa pork barrel scam.

Galing sa dalawang linggong bakasyon sa Jerusalem ang pamilya ng senador, at ayon nga sa aktor-politician, sa wakas ay nakahanap siya ng “peace of mind” sa sandaling pamamalagi sa Holy Land.

“Mas lalo tayong nabigyan ng liwanag sa mga nangyayari sa kapaligiran. Mas lalo kong nakilala ang Panginoon,” ani Sen. Bong sa interview sa kanya sa airport.

Ayon sa aktor, wala na siyang kinatatakutan ngayon, bumalik siya ng bansa para patunayan sa sambayanang Pilipino na hindi niya uurungan ang kasong ibinabato sa kanya.

“Kung gusto kong tumakbo, sana tumakbo na ako dahil nandoon na ako sa labas. Pero hindi, dahil alam kong malulusutan ko ito,” sey pa ni Sen. Bong na nagsabi pang wala siyang balak mag-resign sa kanyang pwesto dahil hindi raw ito kailangan.

Read more...