Ogie nag-sorry sa fans ni Miley Cyrus

OGIE ALCASID AT MILEY CYRUS

MARAMI sigurong nag-react sa panggagaya nina Ogie Alcasid sa international singer na si Miley Cyrus. Hindi lang kami sure kung saang show ito nangyari, pero malamang sa gag show nilang Tropa Mo Ko Unli ito napanood sa TV5.

Kaya siguro nag-post agad si Ogie sa kanyang Twitter account kahapon para hindi na masyadong lumala ang isyu. In fairness, dumami ang Pinoy fans ni Miley Cyrus simula nang sumikat ang kanta niyang “Wrecking Ball” na medyo daring nga ang MTV, lalo na ‘yung paglabas-labas ng dila ng singer.

“We apologize to all fans of Miley Cyrus if we went overboard in spoofing her. It was all done for fun. God bless you all,” ang naging mensahe ng mister ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Pero para sa amin, walang dapat ikabahala si Ogie, dahil for sure, matutuwa pa ‘yang si Miley Cyrus kapag nalaman niyang patok na patok ang kakirihan at kalandian niya rito sa Pilipinas. Ha-hahahaha! At tulad nga ng sinabi ng singer-songwriter, ginawa lang nila ‘yun for fun at hindi para hiyain si Miley.

Read more...