May mga nababasa kasi kaming hiwalay na raw ang dalawa dahil may pinagselosan daw ang dalaga ni Robin Padilla kaya pumunta ng Australia para magbakasyon at naikuwento nito sa nanay niyang si Liezel Sicangco ang nangyari sa kanila ni Aljur kaya ang ending, ayaw nang pabalikin ng Pilipinas ang aktres at doon na lang magpatuloy ng pag-aaral.
May basbas din daw ni Robin ang manatili muna si Kylie sa Australia at huwag munang umuwi sa bansa. Pero iisa ang tanong ng lahat, paano ang kontrata ni Kylie sa GMA 7?
Anyway, may nagkuwento naman sa amin, “Ha, break na ba sina Kylie at Aljur? Parang hindi naman? Kasi last month (March) nakikita ko sila parati rito (isang coffee shop sa Tomas Morato, Q.C.). Diyan (terrace side) nga sila parati nakapuwesto at maraming bumabati sa kanila kapag nakikita sila. Matagal sila diyan, nagkukuwentuhan at nagbubulungan pa nga.”
Ang taong nagkuwento sa amin na ayaw ipabanggit ang pangalan ay nagtatrabaho lang isa sa mga katabing kainan doon. Ang nasabing coffee shop daw ang madalas na tambayan nina Aljur at Kylie kaya hindi naniniwala ang kausap naming break na ang dalawa.
Anuman ang totoo sa tsikang ito, e, lalabas din naman ang totoo, at magkakaalaman din, di ba bossing Ervin. (Naman! Sabi nga nila, walang mabaho na hindi nangangamoy! Tama ba? Ha-hahaha! – Ed).